What are Mutual Funds!?

So, isa kang masipag na empleyado at araw araw na nagtitiis sa traffic. Dumating ang araw na napansin mo, nakaipon kana pala. Hindi mo pa naman gagamitin ang pera. Pero nais mo itong isave para sa future mo. Sayang naman kung naka-tambay lang ang pera mo.

Ang sabi ng katrabaho mo, maganda daw maginvest sa stock market. Ngunit, wala kang alam sa investing, wala kang time magmonitor ng stocks. At natatakot ka na mabaliwala ang iyong pinaghirapan.

Iniisip mo kung meron bang tao na may kaalaman at qualified sa investing na papayag i-manage ang pera mo.

Ang sagot dyan ay MUTUAL FUNDS.

Ang mutual funds ay binubuo ng pera na galing sa mga small investors na tulad mo. Ang perang ito ay hinahandle ng mga experienced at qualified na investors. Na tinatawag na Fund Managers.

Sila ang bahala mag manage ng pera mo. Iinvest nila ito, sa kung saan nila nakikita na lalago. Sa stocks, real estate, mga pautang at iba pa.

Madami at iba iba ang mutual funds. Ito ay nagdedepende sa kung ano ang goal mo. Merong pang risk taker, na mataas ang return on investment ngunit mataas din ang risk. Merong risk averse, na mataas ang safety ngunit maliit ang return. Meron namang balanced na middle ground ng safety at return.

Ang cost ng pag mamanage ng iyong pera ay tinatawag na management fee. Kung saan ang fund manager ay kukuha ng porsyento sa iyong pera kada taon.

Sa dami ng mutual funds, maari kang malito. Isaisip lamang na basahin ang dokumento na iprinesent sa iyo ng mutual fund companies. Basahing mabuti at alamin ang fees at kung anong return ang pede mong iexpect sa mutual fund na gusto mo. Dahil sa bandang huli, ito ay pera mo parin na kailangan mong ingatan.

Mutual funds... I-painvest ang iyong pera sa iba.