How to Invest in Bonds for Retirement Income

So malapit kana magretiro at iniisip mo kung san kana kukuha ng pera pag retire mo. Tulad ng isang mabuting magulang, ayaw mo naman maging pabigat sa iyong mga anak.

Ayaw mo din magstocks or business dahil, natatakot ka sa risk. Iniisip mo, kung may paraan pa ba na kumita ng regular income na walang risk?

Ang sagot dyan at BONDS.

Ang bonds ay isang investment na kung saan, ikaw ay magpapautang sa mga kumpanya, kapalit ng interest, sa loob ng napagkasunduan na time frame na tinatawag na maturity. At ang interest na yan ay iyong magiging income hanggang sa matapos ang 'maturity' ng iyong bond. Kapag dumating na ang maturity ng iyong bond, ay ibabalik ng kumpanya ang iyong pera ng buo, walang labis at walang kulang.

Ibat ibang klase ang bonds, iba't ibang klase din ang nag-ooffer ng bonds. Merong maliit na kumpanya at meron ding malaki. May pang long term, at short term. Little to no risk ang pagiinvest sa bonds. Ngunit kung gusto mo makasiguro, alamin lamang kung ano ang credit rating ng isang kumpanya bago maginvest. Mas mataas na rating, mas mapagkakatiwalaan na kumpanya, mas safe.

Ang pinakasafe sa lahat ng bonds ay inooffer ng Gobyerno. At ito ay tinatawag na Treasury Bills or TBills. Bakit pinaka-safe? Dahil sa panahon na hindi kayang makabayad ng Gobyerno sa iyong TBills, ay gagamitin nya ang kanyang kapangyarihan na magprint ng pera upang mabayaran ka.

Simple at safe maginvest sa bonds, at ang income galing dito ay tamang tama para sa mga tao na magreretiro.

Bonds, simple at safe na income, para sayo.