How to Get Rich: Lessons from Rich Dad Poor Dad

Ito si Robert. Meron syang dalawang tatay. Ang una nyang tatay ay tinawag nya na Poor Dad. Isang teacher, matalino, at masipag. Ito naman ang kanyang Rich Dad. Isang negosyante at hindi nakatapos ng high school.

Ang isa ay papanaw ng walang maipamamana sa kanyang pamilya. Ang isa naman ay makakapagiwan ng malaking kayamanan sa kanyang mga anak at sa mga susunod na generasyon.

Gusto ni Robert sundan ang yapak ng kanyang Rich Dad. Na nagturo sa kanya ng magagandang aral upang yumaman.

Kailangan mo lamang maging magaling sa pag identify kung ang isang bagay ay Assets o Liabilities. At mag-focus sa pag kolekta ng mga assets at pagbabawas ng liabilities.

Ang assets ay ang mga bagay na nagbibigay sayo ng pera. Ang liabilities naman ay ang mga bagay na nagbabawas sa iyo ng pera.

Assets na matatawag ang stocks dahil nagbibigay ito ng dividends. Liabilities na matatawag ang kotse dahil ito ay nagbabawas sa iyo ng pera panggastos ng gasolina.

Ang mga mayayaman at bumibili ng assets. Ang mga mahihirap ay meron lamang liabilities. Ang mga middle class ay bumibili ng bagay na akala nila ay Assets ngunit liabilities pala.

Halimbawa nito ay ang bahay. Madami ang magsasabi na ang bahay ay isang Asset. Ngunit, ito ay isang Liability. Dahil kailangan mong gumastos dito upang bayaran ang maintenance, electricity at property tax. Ngunit kung ang iyong bahay ay papaupahan mo, isa na itong Asset. Dahil ito ay magbibigay na saiyo ng pera sa pamamagitan ng rent na tinatawag din na passive income. Pera na kusang darating, magtrabaho ka man o hindi.

Ang financial freedom ay iyong makakamit kung ang passive income ng iyong mga assets ay mas malaki sa iyong expenses.

Kung kaya, palaging isa isip kung ang isang bagay na bibilhin ay asset o liability. Nang sa ganon, ay iyong makamit ang pagyaman at financial freedom, kasama ng iyong pamilya.