How to Be Rich: Lessons from The Richest Man in Babylon

Araw araw na stress sa trabaho. Malayo sa pamilya. Init ng ulo sa traffic. Lahat ng iyan ay tinitiis mo. Ngunit, hindi mo ba naisip minsan, kung mayaman ka lang, hindi mo gagawin ito. Paano nga ba yumaman?

Tuklasin natin sa librong Richest Man in Babylon.

Rule # 1 - "A part of all you earn is yours to keep"

Sa lahat ng iyong kikitain, mag-save ng one-tenth o 10% percent ng iyong kinikita. At ang natitirang 90% ay maaari mong gamitin sa kahit na anong paraan mo naisin.

Halimbawa, ikaw ay sumusweldo ng 20,000 per month. 2,000 pesos o 10 percent ng iyong sweldo ay iyong itatabi. At ang natitira ay iyong gagamitin sa mga basic needs at sa kung anong bagay mo man naisin.

Rule # 2 - "Control thy expenditures"

Madami ang magsasabi na ang sweldo nila ay sapat lamang sa kanilang panggastos. At kapag nag save pa sila ng 10%, hindi na nila ito kakayanin. Ngunit, pansinin mo ang mga kaibigan at mga kakilala mo na nasa pareho mong katayuan. Iba iba ang iba iba ang trabho ninyo, iba iba ang sweldo ninyo, may mataas at may maliit. Ngunit bakit, pare pareho kayong walang pera? Pare pareho kayo ng katayuang pinansyal?

Ang simpleng katotohanan ay ang iniisip natin na "necessary expenses" ay palaging lalaki according sa ating kinikita, unless na maging concious tayo at magkontrol. Lahat ng tao ay nacoconfuse sa pagkakaiba ng necessary expenses sa desires, sa needs vs wants, at lahat ng tao ay madaming desires na hindi kailanman kayang punan. Matutong magbudget.

Rule # 3 - "Make thy gold multiply"

Ang kagandahan ng pera ay kaya nitong dumami. Kung nagawa mo ang rule # 1, darating ang panahon na marami ka nang maiipon at ang ipon na iyan ay kayang dumami ng magisa sa pamamagitan ng tamang pagiinvest.

Halimbawa, kung ikaw ay magiipon ng 2,000 per month sa loob ng 20 years. Magkakaroon ka ng 480,000 in 20 years. Ngunit, kung ikaw ay maginvest, at ang iyong investment ay kumita ng 5% per year ang iyong pera after 20 years ay magiging 896,941.19. Halos dumoble. Kung ikaw naman ay maging magaling sa iyong investments at kumita ito ng 10% per year ang iyong pera sa loob ng 20 years ay magiging 1,673,519.99 almost 3 times ang laki.

Ito ang magagawa ng consistent saving, tamang investing at compound interest.

Gawin at sundin ang mga rules na ito. Dahil ang mga rules na ito ay hindi kailanman mababago.