3 Steps to Start Investing

So, mahilig ka manuod ng mga videos tungkol sa investing. At dahil nanonood ka ng videos ng howtoinvestforbeginners, nalaman mo na ang stock market at investing ay makakatulong sa iyo para mapalago ang iyong pera.

So ngayon, gusto mo nang magstart sa pag-iinvest sa stock market. Pero hindi mo alam kung pano. Teka, pano nga ba magsimula maginvest sa stocks?

Ganito lamang yan, meron ka lamang 3 steps o checklist para makapag-invest.

Una:
Kailangang, merong kang pera. Ang pera na iniipon ay maari mong gamitin pang invest. Imbes na i-save ang iyong pera at itago sa banko o piggy bank, bakit hindi mo na lang iinvest ito sa stock na kung saan, mas malaki ang interest na iyong makukuha at mas mabilis na lalago ang iyong pera.

Pangalawa:
Kailangan mo ng stock broker. Ang mga stock broker ay isang tao o kumpanya na licensed na magtransact sa stock market. Sila ang magpprocess ng iyong mga order kung ikaw ay bibili o magbebenta ng stocks.

Sa panahon ngayon, marami na ang mga online stock broker. Na kung saan, ikaw ay mag-lologin na lamang sa kanilang website, at kung gusto mong bumili o magbenta ng stocks, ito ay maprprocess ka-agad agad.

Pangatlo:
Kailangan mo ng kaalaman. Ang pag iinvest sa stock market ay may kaukulang risk. Maaring mawala ang iyong pera kung ikaw ay walang sapat na kaalaman sa pag-iinvest. Upang maging profitable ang iyong mga investments, kailangan mong matuto maghandle ng pera, maganalyze ng mga companies, na parang isang businessman at isang tunay na investor.

At ito ang iyong 3 simpleng checklist para makapagsimula sa pag iinvest sa stock market. So ano sa tingin mo? Ready kana ba mag-invest? Kung nais mong matuto at madagdagan ang iyong kaalaman sa pagiinvest, visit howtoinvestforbeginners.com to find out more.